Sa sobrang init po ng panahon ngayon, ako po ay natutuwang sumilong sa ilalim ng PUNO. Lumaki po ako sa Eureka St. Barangay Lapaz kung saan kasama ko po sa bahay ang aking ina na may "green thumb". Nakagawian ko po na maraming halaman sa paligid lalong-lalo na po sa loob po ng aming tahanan.
Natuwa po ako dahil inatasan po ako ng Team Be Nice sa Clean & Green at Kooperatiba kung saan ay pinagsama ko na po ang dalawang ito. Nais ko pong isulong ang GREEN COOPERATIVES kung saan ay habang kumikita na ang ating mga negosyante sa Makati, pinagyayaman at inaalagan pa natin ang ating Kalikasan! Sa tulong po ni Mayor Jun Binay at ng kanyang buong konseho, maaari po nating bigyan ng incentives ang mga Kooperatiba na sumusuporta sa adbokasiyang ito.
Noong ako po ay Chairperson ng Committee on Cooperatives noong 2011, naitatag po ang first ever GREEN COOPERATIVES kung saan ay binigyan po ng Livelihood ang mga Makati City Jail Inmates kasama po ang iba't ibang grupo katulad po ng Rotary Club of Makati Poblacion, Makati Cooperative Development Office, MCDC, at BJMP. Salamat po kay Mayor Jun Binay sa kanyang suporta sa napakagandang proyektong ito. Ito po ay first ever in Asia at unang itinatag sa Lungsod ng Makati!😍
With the support of Liga President, Coun. Arlene Ortega
With Ms. Mong Cañizares of Rotary Club of Makati Poblacion
Nais ko pong ipagpatuloy ang magandang adhikain na ito at magsulong pa po ng green livelihood opportunities para po sa ating mga kooperatiba. Suportahan po natin ang mga negosyante sa Makati lalong-lalo na po yung maliliit na negosyante at ang mga nagsisimula pa lamang.
Sa larangan naman po ng Musika, nais ko pong isulong ang adbokasiya ng pangangalaga ng ating Kalikasan sa pamamagitan ng Musika kasama ang mga homegrown talents ng Makati at tawagin po natin itong "MusiKALIKASAN".
Sa pamamagitan po ng Smart Program ni Mayor Jun Binay kung saan ay libreng makakapag-aral ang mga bata na umawit, magsulat ng awitin, tumugtog ng gitara tuwing summer; gumawa po tayo ng Original Pilipino Music at ng Digital Albums. Suportahan po natin ang mga homegrown talents ng Makati City at magkaroon din po sila ng livelihood opportunities sa pamamagitan ng Musika! Si Mayor Jun at ang buong Team Be Nice ay katulad po ninyo at karamay po ninyo sa pagpapalaki ng inyong mga anak. Sama sama po nating pagtibayin ang kanilang mga pangarap.
Isang karangalan po ang maglingkod pong muli sa inyong lahat! Sana po itanim po ninyo si Tosca PUNO-Ramos at ang buong Team Be Nice sa inyong mga puso. Maraming Salamat po. God bless!❤